Muling nagpakawala ng mga missile ang Iran papuntang Israel na na tumama sa isang ospital sa gitna ng lumalalang tensyon sa rehiyon.
Ayon sa Israeli foreign minister, tinamaan ang Soroka hospital sa Beer-sheba na nag-iwan ng hindi bababa sa 31 sugatan matapos ang pag-atake.
Ito na ang pinakamalalakas na pagsabog na naitala mula nang magsimula
ang labanan noong nakaraang linggo.
Samantala, nanatili ang paninindigan ni Iranian supreme leader ali Khamenei na hindi sila magpapasakop sa hiling ni US President Donald Trump na “unconditional surrender.”