Iran, kumpirmadong makikipag-usap muli sa European powers | News Light

📅

Kinumpirma ng Iran na muling makikipag-usap ito sa Europe ngayong Biyernes sa Istanbul.

Ito ang unang pag-uusap mula nang atakehin ng Estados Unidos ang mga pasilidad nuklear ng Iran isang buwan na ang nakalilipas.

Makikipagpulong ang mga Iranian diplomat sa mga kinatawan ng Britain, France, at Germany — o tinatawag na E3 — matapos balaan ng tatlong bansa ang Iran ng muling pagpataw ng parusa kung hindi ito babalik sa negosasyon ukol sa kanilang nuclear program.