Sa kanyang talumpati sa graduation ceremony ng Philippine Merchant Marine Academy sa Zambales ngayong Biyernes, sinabi ni Marcos na pinalalawig na ang mga oportunidad ng Maritime Industry Authority para sa onboard training.
Pinuri din ni PBBM ang mga kadete at nag iwan ng payo para sa kanilang mga mithiin.
Nasa dalawangdaan at limampu’t dalawang mga kadete ang nagsipagtapos ngayong taon sa mga kursong marine transportation at marine engineering.
Karamihan ay kadete ngayon ng Merchant Marine Fleet habang may mahigit tig sampu na kadete ng Philippine Navy, at Philippine Coast Guard.



