Hinimok ng international think tank ang Pilipinas na manindigan ang gobyerno sa paggiit ng soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.
Kasabay ito ng nagpapatuloy na lumalalang opensiba ng Chinese forces sa karagatan, lalo’t hindi anila patitinag ang Chinese counterparts sa kanilang pinaninindigan.
ADVERTISEMENT
Para naman sa Filipinos Do Not Yield Movement, malinaw na hindi lang nagtatanggol ang iba’t ibang security force ng bansa sa West Philippine Sea, kundi pinaninindigan rin ang prinsipyo at pagkapanalo ng bansa sa 2016 arbitral ruling.
International law din anila ang sandigan ng Pilipinas at hindi ang dahas sa pagtaboy ng sinumang foreign forces.




