Incident report ukol sa umano’y amoy marijuana sa Senado, umalingasaw

📅  |  ✏️ Updated

Nabulabog ang mga bulwagan ng Senado Kahapon, August 14 matapos umalingasaw ang isang incident report ukol sa umano’y malakas na amoy na nalalapit sa amoy ng marijuana.

August 13 lumabas ang incident report para sa Office of the Senate Sgt at Arms mula sa isang security staff. Ang report, dalawang beses na napansin ang malakas at kakaibang amoy mula sa cr ng mga babae malapit sa extension offices ng Senado.