Natapos na ang three-day transparency rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Manila.
Ayon kay INC spokesperson Ka Edwin Zabala, hindi na daw kailangan ng buong simbahan na mag-rally ng tatlong araw kung naipahiwatig na ang kanilang saloobin na justice, accountability, transparency, and peace.
Dumalo sa pagtitipon si Attorney Rowena Guanzon, at ang usapin ngayon ay tungkol sa pagbibigay ng speech ni Senator Imee Marcos sa rally, kung saan tungkol ito kay Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos na gumagamit sila ng ipinagbabawal na gamot.
Tumambad naman ang humigit-kumulang na 19 na toneladang basura na nasa mga garbage bag. Ito ay naipong mga basura na hinakot mula pa noong Linggo hanggang Lunes ng umaga kahapon, at hinakot naman ito ng mga garbage truck ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
ADVERTISEMENT
Epektibo pa rin ang class suspension ayon kay Mayor Isko Moreno, bunsod ito ng pagsasara pa rin ng ilang mga lansangan sa University Belt upang maiwasan ang mabigat na trapiko at posibleng pagpunta ng mga raliyista.
Inaashan pa rin na magbibigay ng alternative learning ngayong araw ang mga paaralan ng Maynila, tulad ng online classes. (Austin Gonzaga/News Light)



