Posibleng umabot hanggang Disyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil sa mga pagkaantala sa Senado.
’Yan ang babala ni Manila Representative Joel Chua.
Ayon kay Chua, sakaling ideklarang walang bisa ng Korte Suprema ang impeachment dahil sa umano’y paglabag sa 10-session day rule, maaari itong i-refile pagkatapos ng Disyembre 2 na siyang anibersaryo ng unang reklamong inihain laban sa bise.
Sa ilalim ng Konstitusyon, isang impeachment proceeding lang ang maaari sa loob ng isang taon.
Pero iginigiit naman ng mga mambabatas na walang nilabag na batas ang Kamara sa paghahanda ng articles of impeachment.
ADVERTISEMENT
Samantala, humiling ang Korte Suprema ng karagdagang impormasyon mula sa Kamara para pag-isahin ang mga petisyon ng kampo ni VP Sara, kabilang ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang bunsod ang impeachment kay VP Sara Duterte dahil sa mga alegasyon ng abuso sa confidential funds, pananakot sa mga opisyal, at umano’y paglabag sa Konstitusyon.



