Tatanggapin ng Senado sa June 2 ang prosecution panel ng Kamara para basahin na ang 7 impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa liham ni Senate President Francis Escudero kay House Speaker Martin Romualdez, nakasaad na handang tanggapin ng Senado ang mga tagausig ng Kamara sa June 2, alas-kuwatro ng hapon.
Sa June 3, 9:00 ng umaga, pormal namang bubuuin ang impeachment court.