Nanindigan ang Palasyo na walang batayan ang umuugong na impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakarating na sa Palasyo ang usapin ng impeachment case.
Kasunod ito ng pahayag ni House Senior Deputy Minority Leader at Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice na posibleng humarap si Marcos Jr. sa impeachment.
ADVERTISEMENT
May mga pro-Duterte groups umano na lumapit kay Erice para iendorso ng mambabatas ang impeachment case laban sa Pangulo dahil sa betrayal of public trust.
Pero para sa Palasyo, walang basehan ang mga ito.
Ayon pa kay Castro, walang balak ang administrasyong Marcos Jr. na bigyang atensyon ang mga chismis at pamumulitika.
ADVERTISEMENT
Pero ang mga mambabatas, may kanya-kanyang opinyon hinggil sa impeachment case vs. Marcos Jr.
Hindi dapat mistulang clickbait o propaganda ang usapin ng impeachment case, ayon kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong.
Handa naman sina House Deputy Minority Leader at Akbayan party-list Rep. Perci Cendana na suriin ang ebidensiya at makipagtulungan sa mga civil society groups na magsasampa ng impeachment case.
ADVERTISEMENT
Ayon naman kay House Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega, hindi political weapon ang impeachment pero hindi rin immune ang Pangulo para harapin ito.



