Impeachment case ni VP Duterte, may basehan ayon kay De Lima

📅  |  ✏️ Updated

Binasag ni Mamamayang Liberal party-list Rep. Leila De Lima ang tawag na “Witch-hunt” o yung yung ginigipit ang tao nang walang ebidensya sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y matapos ang naging pahayag ni Senator Migz Zubiri na tila witch-hunt ang impeachment dahil may gustong pumalit kay VP Sara o maagaw ang puwesto para sa 2028.

Giit ni De Lima, siya ang tunay na nabiktima ng witch-hunt at hindi si duterte nang sampahan siya ng mga kasong walang basehan noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa kanya, may batayan at sinuportahan ng mahigit 215 na kongresista ang impeachment case laban kay VP Sara kaya hindi ito maituturing na politikal na pang-uusig.

ADVERTISEMENT

Nauna nang pinuna nina Rep. Chel Diokno at Joel Chua ang ilang senador na mistulang kumakampi kay Duterte lalo’t ibinalik ang articles of impeachment sa kamara.

Hanggang ngayon nakabinbin pa rin ang impeachment trial sa senado dahil sa kawalang-aksyon ng plenaryo sa kabila ng mandato ng konstitusyon.