Imbestigasyon sa PrimeWater, isusumite na sa Palasyo — LWUA | News Light

📅 June 30, 2025 03:55 PM PHT  |  ✏️ Updated June 30, 2025 05:33 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Featured, Latest News

Isusumite na ng Local Water Utilities Administration (LWUA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng imbestigasyon sa umano’y mahinang serbisyo ng PrimeWater, na pagmamay-ari ng pamilya Villar.

Ayon kay LWUA Administrator Jose Salonga, tapos na ang kanilang malawakang pag-aaral at nakitaang may paglabag sa mga kontrata, kakulangan sa investment, at kulang na suplay ng tubig.

Base sa mga joint venture agreements at mga reklamo ng residente, nasa 20 hanggang 30 water districts na ang nagnanais putulin ang kontrata sa PrimeWater.

Giit ni Salonga, hindi sila maaaring umaksyon agad kung walang legal na batayan — maliban na lang kung ideklarang emergency ang sitwasyon.

Samantala, sinabi naman ng PrimeWater na handa silang makipagtulungan sa gobyerno.