Iloilo City, nakapagtala ng unang kaso ng mpox

📅

Nakapagtala na ng kauna-unahang kaso ng mpox ang Iloilo City.

Mula ito sa pasyenteng walang travel history.

Ayon sa Iloilo City Health Office, naka-isolate na ang pasyente at ang apat pang hinihinalang kaso.

’Di pa tukoy kung locally transmitted ito, ngunit nagsasagawa na ng contact tracing ang local government.

ADVERTISEMENT

Wala pa namang naipaulat na malawakang community transmission ng sakit.