Mas naging agresibo ang pag-aalok ng illegal abortion sa bansa, lalo na sa social media.
‘Yan ang pahayag ni Senate President Vicente Sotto III sa budget hearing ng Department of Health (DOH) nitong Martes.
Ayon kay Sotto, naglipana sa social media ang mga pasilidad, produkto, serbisyo, at gamot na may kaugnayan sa aborsyon.
Kinuwestiyon din ng Senate President kung hindi ito namo-monitor ng DOH at Food and Drug Administration, at hinimok ang mga ahensya na aksyunan ito.



