Iligal na vape products sa e-commerce platforms, ipinapatanggal ng DTI | News Light

📅

Ipinag-utos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpapatanggal ng mga iligal na vape products sa mga e-commerce platforms sa loob ng pitong araw.

Ayon kay DTI E-Commerce Bureau OIC Director Eryl Royce Nagtalon, kabilang sa mga iligal na vape products ay mga produktong walang lisensya, health permits, tax stamps, at Bureau of Internal Revenue (BIR) permits.

Layunin ng pagpapatanggal na masiguro ang kaligtasan ng mga konsyumer at mapigilan ang pagdami ng mga mamimili nito.

Paglilinaw ni Atty. Frediswenda Benas, chief ng E-Commerce Enforcement and Compliance Division ng ahensya, mananagot ang e-commerce platforms kung bigo nilang maalis ang mga iligal na vape products kahit pa ang merchant ang nagbebenta ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Binigyan ng pitong araw ang e-commerce platforms na sundin ang kautusan at kung hindi susunod, nakahanda na ang legal remedies ayon sa Consumer Act.