Nagrereklamo na ang mga nagmo-motor sa pagsikip at pagbigat ng daloy ng trapiko sa motorcycle lane sa Commonwealth avenue sa Quezon City, bukod pa anila sa problema sa kanilang kaligtasan sa kalsada.
May pinag-aaralan namang solusyon ang MMDA, pero tila ang maapektuhan naman dito ay ang mga nagbibiskleta.