Sinabayan ng kilos-protesta ng mga manggagawa ang paggunita sa Independence day para kondenahin ang anila’y huwad na kalayaan.
Dismayado ang mga manggagawa dahil hindi na umusad ang inaprubahan ng Kamara na 200 pesos na minimum wage hike ngayong nag-adjourn na ang Kongreso.
Ito’y matapos na hindi humantong sa kompromiso ang kamara at senado.