Ilang pangunahing websites, naapektuhan ng Amazon Web global outage | News Light

📅 October 21, 2025 10:41 AM PHT

Mga Kaakibat, may websites bang hindi niyo ma-access kahapon?

Maaaring apektado ito ng global outage ng Amazon Web Services (AWS).

Hindi ma-access kahapon ang Amazon Prime, video game na Fortnite, social media application na Snapchat,, ang design website na Canva at iba pa dahil sa Amazon cloud outage.

ADVERTISEMENT

Sa pagsusuri ng AWS, nag-ugat ang problema sa isang critical AWS infrastructure zone sa US-East-1 region.

Tumagal ng tatlong oras ang outage at naapektuhan ang trabaho at iba pang aktibidad ng maraming indibidwal na gumagamit sa mga naturang website.