Hinatulang guilty ng Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Sagbayan, Bohol, at pinatalsik din sa puwesto ang ilang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources kaugnay sa pagpapatayo ng pribadong resort sa Chocolate hills.
Magugunitang, itinayo ang kontrobersyal na captain’s peak resort sa protected area ng Chocolate hills na idineklarang national treasure ng bansa at UNSECO world heritage site.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang subpoena ng senado laban kay dating Mamban Mayor Alice Guo.
Matatandaang isinubpoena ng senado si Guo kaugnay ng ilegal na operasyon ng POGO sa Bamban, Tarlac kung saan siya naglingkod bilang alkalde.
ADVERTISEMENT
Samantala, inilabas na ng Judicial and Bar Council ang pangalan ng mga aplikante para sa Ombudsman matapos magretiro ni Samuel Martires noong July 27.
Hinihiling rin ng JBC ang opinyon ng publiko habang gumugulong ang vetting process para sa susunod na tanodbayan na mag iimbestiga sa mga tiwaling public officials.



