Dahil sa pagbabago ng tekonolohiya partikular sa online—nakisabay na rin ang ilang negosyante rito sa pag-aalok ng kanilang mga produkto.
Nung una’y masaya ang ilan sa kanila sa hassle free na pagtitinda, pero ngayon may reklamo ang ilan sa online sellers dahil sa polisiya ng isang platform na oras magbago ang isip ng customer at i-cancel ang order sila pa umano ang magbabayad ng return shipping cost nito.