Ilang minority senators, walang ideya sa namumuo umanong panibagong coup sa senate leadership

📅
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Uncategorized

Wala umanong ideya ang ilang minority bloc senators sa usap-usapan na may panibago na namang namumuong kudeta sa senate leadership.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, walang ganitong pag-uusap sa kanilang hanay.

Wala rin daw alam si Sen. Rodante Marcoleta patungkol sa isyu.

Nitong weekend lamang nang kumalat ang usap-usapan na may panibagong kudeta isang linggo matapos ang palitan sa senate presidency.

ADVERTISEMENT

Kinastigo naman ito ni Senate President Tito Sotto III at iginiit kung ano ang kinakatakot ng mga nagpapakalat nito.

Lunes ng hapon nang idaos ng majority bloc ang caucus nito sa gitna ng isyu.