Ilang mga residente sa Bogo City, Cebu, nanghihingi na ng tulong sa kalsada

📅 October 6, 2025 11:17 AM PHT

Nanghihingi na ang ilang residente sa Bogo City sa Cebu ng pagkain at tubig na maiinom ilang araw matapos na tumama ang magnitude 6.9 na lindol.

May hawak ang ilan ng karatula habang nasa kalsada para makita ng mga sasakyang papunta ng ground zero.

Samantala, tuloy-tuloy ang dating ng relief goods sa iba-ibang lugar sa probinsya, pero naaantala dahil sa traffic.

ADVERTISEMENT

Kaugnay nito pinabulaanan ni Cebu Governor Pam Baricuatro na kailangan umano ng permit para magdala ng relief goods. Aniya hindi kailangan ng anumang permit.

May ilang senador naman ang nagpaabot ng tulong gaya ni Sen. Bong Go na personal na nagpunta sa probinsya maging si Sen. Erwin Tulfo.