Dismayado ang ilang mga manggagawa matapos hindi maipasa sa 19th Congress ang panukala para sa dagdag-sweldo.
Nagprotesta ang Kilusang Mayo Uno upang ipahayag ang kanilang galit dahil wala umanong napala ang ilang buwang congressional hearings para maisabatas ito.
Depensa naman ng Kamara, ang Senado ang “pumatay” sa ₱200 wage hike bill dahil ipinipilit umano nito ang ₱100 na umento.
Ayon naman sa Senado, wala na silang panahon para pag-isahin ang panukala dahil sa huling linggo na ng sesyon inaprubahan ng Kamara ang kanilang bersyon.