Ilang mga manggagawa, bitin sa P50 wage hike na inaprubahan ng DOLE; hindi pa rin anila sapat sa nagmamahalang gastusin

📅 July 2, 2025 11:37 AM PHT  |  ✏️ Updated July 2, 2025 11:37 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Konsyumer, Latest News

Inaprubahan nitong lunes ng Department of Labor and Employment ang dagdag singkwenta pesos sa sahod ng mga minimum wage earner sa NCR.

Pero may ilang mga manggagawa at labor group na hindi masaya rito dahil malinaw na “pantapal” lang anila ito sa hindi naipasa ng pamahalaan na panukalang 200 pesos na dagdag sahod.