Nanawagan si Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima at iba pang kongresista ng pagbuo ng isang independent commission o non-partisan body para imbestigahan ang pag-abuso sa bilyong bilyong infrastructure funds.
Nag ugat ang panawagan sa paglitaw ng mga testimonya ng mga kontratistang pacifico at Sarah Discaya na nagbunyag ng umano’y kickbacks na umabot hanggang 25 percent kung saan sangkot ang labimpitong mambabatas at ilang opisyal ng DPWH.
Giit ni De Lima walang kredibilidad ang mga imbestigasyon kung mga nasasangkot din ang nangunguna sa hearing.
Samantala, nanawagan ang mga senador sa Department of Budget and management na bawasan ang presyo ng mga proyekto ng gobyerno para mawalan ng pondo ang mga pinagmumulan ng korapsyon.
ADVERTISEMENT
Sa pagdinig ng senate subcommittee on finance, iginiit ni Sen. Loren Legarda na mas maraming proyekto ang maisasakatuparan kung tatanggalin ang “paglalagay” sa bawat kontrata.
Winelcome naman ni Budget chief Amenah Pangandaman ang panukala at sinabing nakausap na si DPWH chief Vince Dizon ukol sa pagbaba ng standard costing ng hanggang 40 percent na mas mababa.



