Magsasara ang ilang lansangan sa Quezon City sa bandang Maginhawa ngayong weekend bunsod ng paparating na Maginhawa Arts and Food Festival sa December 13 at 14.
Isasara ang dalawang magkabilang lane ng Maginhawa Street, Mapagkawang Gawa Street at bahagi ng C.P. Garcia Avenue bilang event area.
No-parking zone naman sa Maginhawa Street, Magiting Street, Mapagkawang Gawa Street, kanto ng Malingap Street at Maginhawa, at Baluyot Street.
Nakaantabay naman ang MMDA at mga traffic personnel ng LGU ng Quezon City upang magbigay-gabay sa daloy ng trapiko. (Austin Gonzaga/News Light)



