Ilang lugar sa Davao City, binaha bunsod ng pag-ulan

📅

Lubog sa baha ang ilang lugar sa Davao City matapos ang pag-ulan kahapon, August 19.

Sa ibinahaging litrato ni Mike Malayao, lubog sa tubig ang mga sasakyan sa parking lot sa isang ospital sa Davao City.

Nagdulot naman ng masikip na trapiko ang ga-tuhod na baha sa Jp Laurel Avenue sa lugar. Base sa ulat ng PAGASA, dala ng easterlies ang pag-ulang naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao gayundin sa Palawan, Eastern Samar at Northern Samar.

Samantala, lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong huaning, bandang alas-dos ng hapon.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, isa pang low pressure area ang namataan sa labas na PAR na may bahagyang tyansa na maging bagyo sa susunod na 24-oras.