Sinabihan ng Malacañang ang kontratistang si Curlee Discaya na magpakita ng ebidensya sa halip na mag-name drop lamang ng mga umano’y sangkot sa katiwalian sa government projects.
Ito’y matapos pangalanan ni Discaya sa senado ang mga kongresista, DPWH at government officials na nanghihingi umano ng porsyento para sa government projects.
Ayon pa kay Discaya, ginagamit umano ang pangalan nina House Speaker Martin Romualdez at Congressman Zaldy Co ng mga personalidad na umano’y nango-ngomisyon.



