Ilang flight ng Philippine Airlines patungong Middle East, kinansela na dahil sa tensyon

📅 June 25, 2025 12:20 PM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 12:20 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Kinansela na ng Philippine Airlines ang ilang flights nito patungong Middle East dahil sa tumitinding tensyon sa rehiyon.

Kabilang sa mga kanseladong flights ngayong Martes, June 24 ang Manila–Doha Nanila–Dubai–Manila at Manila–Riyadh–Manila.

Habang sa June 25, Miyerkules ang flight Doha–Manila.

Samantala, tuloy naman ang flight ng Cebu Pacific papuntang Dubai.

Ayon sa airline, hindi dumaraan sa conflict zone ang ruta ng Cebu Pacific kaya ligtas ang operasyon.

Nag-alok din ang Cebu Pacific ng libreng rebooking at travel fund options para sa mga pasaherong may flight ngayong June 24.