Ipagpapatuloy ng Bureau of Customs (BOC) na gaganapin sa Biyernes, December 5, ang ikalawang public auction para sa apat na luxury vehicles na nakumpiska mula sa mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya.
Ayon sa ahensya, isasagawa ang sealed bidding sa ganap na 10 a.m. sa BOC main office sa Port Area, Manila, kung saan ia-auction ang isang 2022 Toyota Tundra, 2023 Toyota Sequoia, 2023 Rolls-Royce Cullinan at 2022 Bentley Bentayga na may kabuuang halagang ₱17.3 milyon.
Bukas ang public viewing para sa mga kwalipikadong bidder sa Disyembre 2 at 3, at pangangasiwaan ng Auction and Cargo Disposal Division ng Port of Manila ang proseso.
ADVERTISEMENT
Maaaring tingnan ng mga interesadong bidder ang kumpletong detalye sa website ng BOC.
Matatandaan noong November 20, kumita ang pamahalaan ng higit ₱38.2 milyon sa naunang bentahan ng tatlong luxury vehicles na nakuha rin mula sa Discaya couple, kabilang ang pagbili ng Simplex Industrial at Lestrell Jewelries ng mga high-end units.




