Ika-5 sunod na linggong taas-singil sa krudo, asahan na simula ngayong Martes

📅

Bad news po para sa ating mga motorista.

Muling may dagdag-singil po sa petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, nasa ¢10 ang dagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene, habang, ¢50 naman ang taas sa kada litro ng diesel.

Ito na ang ikalimang sunod na taas-presyo sa gasolina at ikaapat naman sa diesel at kerosene.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Department of Energy, bunsod ito ng gulo sa middle east dahil sa pag-atake ng Israel sa Doha, Qatar, at drone attack ng Russia sa Poland.

Sa kabuuan, umabot na sa halos P14 ang nadagdag sa gasolina P15 sa diesel at humigit P3 sa kerosene mula January hanggang Setyembre ngayong taon.