Ika-126 na anibersaryo ng Philippine Bible Society, ginanap noong Sabado | News Light

📅 November 24, 2025 11:21 AM PHT  |  ✏️ Updated November 24, 2025 12:05 PM PHT
Photo courtesy Philippine Bible Society / Facebook

Sa ika-126 na anibersaryo ng Philippine Bible Society (PBS) na may temang ‘Gratitude’, isang araw ng pasasalamat sa Diyos ang ibinigay ng mga Kristiyano sa kabutihan ng Diyos at patuloy na pag-hahayag ng kanyang salita sa bansa.

Nagbigay ng welcome remarks si dating Chief Justice at President at Chairman of the Board Reynato Puno kung saan nagagalak siya na maging kabahagi sa ika-126 na anibersaryo ng PBS, na ayon sa dating Chief Justice, mahalaga ang salita ng Diyos at dito ay dapat tayo ay tumindig.

Sumunod naman ang President Emeritus na si Bishop Cesar Vicente Punzalan na naghayag ng salita ng Diyos kung saan binigyang diin ang paghahayag ng tunay na salita ng Diyos na tanging makikita lamang sa Bibliya upang magamit para magkaroon ng karunungan at katalinuhan ang kahit sinuman na nangangailangan nito sa buhay.

Dapat din ito maipasa sa mga susunod na henerasyon.

ADVERTISEMENT

Naging punong-abala naman ang radio anchor at Straight From the Word host na si Ate Maloi Salumbides sa selebrasyon ng PBS, isang araw na puno ng panalangin at pagpupuri kasama ang Coro Cantabile.

Ipinakita rin ng PBS ang patuloy nitong misyon na tumulong na magbahagi ng salita ng Diyos at Bibliya sa mga nangangailangang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Maligayang ika-126 na taon ng kabutihan ng Diyos, Philippine Bible Society! (Austin Gonzaga/News Light)