Naglabas na ang Department of Justice ng immigration lookout bulletin order laban sa 33 mambabatas, opisyal, at kontratistang umano’y sangkot sa maanomalyang flood control projects, alinsunod sa hiling ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Kasama sa listahan sina dating House Speaker Martin Romualdez at ilang senador tulad nina Francis “Chiz” Escudero, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, at dating mga senador Bong Revilla at Nancy Binay.
Pirmado ni outgoing Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang lookout order na target bantayan ang galaw ng mga personalidad habang gumugulong ang imbestigasyon sa umano’y ghost at substandard flood control projects.
Nag-utos din ang ICI na abisuhan agad ng Bureau of Immigration ang komisyon kapag may balak bumiyahe palabas ng bansa ang mga nasa listahan ng ILBO.



