Nagsagawa ng asset recovery meeting ngayong Huwebes ang Independent Commission for Infrastructure katuwang ang iba pang ahensya.
Layon nitong tukuyin ang mga dapat gawin para maibalik ang pondong ninakaw mula sa bayan.
Habang naniniwala naman si Public Works chief Vince Dizon na mananagot pa rin sa batas ang mag asawang Discaya kahit hindi na sila makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI.



