Labis ang lungkot na nararamdaman ng singer-songwriter at concert producer na si Ice Seguerra matapos pumanaw ang kanyang ina na si Caridad Yamson Seguerra o mas kilala sa showbiz bilang si ‘Mommy Caring’.
Sa huling gabi ng burol, inawit ni ice ang ‘Everything I Own’ bilang kanyang huling handog para sa yumaong ina.
Emosyunal at halos hindi makakanta si ice sa bigat at sakit na nararamdaman sa pagpanaw ni Mommy Caring.
Kasabay nang pagluluksa ang takdang araw ng paglabas ng kanyang bagong single na pinamagatang ‘Shelter of broken.’
Pumanaw si Mommy Caring nitong Biyernes, June 27.
Sampu po ng bumubuo ng balitang A2Z ang aming lubos na pakikiramay sa pamilya ni Ice Seguerra.