ICC warrant vs. Dela Rosa, inilabas na umano ayon kay Harry Roque | News Light

📅  |  ✏️ Updated

May babala si dating Duterte spokesperson Harry Roque kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngayong inilabas na umano ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban sa dating police chief ng Duterte administration.

Sa isang social media post, pinayuhan ni Roque si Dela Rosa na magpaposas na lang sa loob ng Korte Suprema sa halip na umano’y magpakidnap.

Matatandaang iginigiit ng kampo ng mga Duterte na dinukot umano si dating pangulong Rodrigo Duterte nang arestuhin ng ICC noong Marso.

Ilang linggo nang hindi nagpapakita si Dela Rosa sa publiko at sa Senado matapos ianunsyo ng Ombudsman na naglabas na umano ng arrest warrant ang ICC kaugnay ng mga libu-libong namatay sa drug war ng pamahalaang Duterte.