Hiniling ng International Criminal Court prosecutor na ibasura ang petisyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang apelang interim release o pansamantalang mapalaya habang nililitis siya.
Giit ng mga prosecutor, kailangan pa rin ang detensyon ni Duterte para masigurong haharap siya sa hukuman, hindi manggugulo sa imbestigasyon at hindi uulit ng mga paglabag.
Binigyang-diin din ang malawak niyang impluwensiya at political network maging ang international ties na pwedeng gamitin para manakot ng mga saksi at hadlangan ang proseso.
Samantala, sinabi ni VP Sara Duterte na sakaling payagan ang apela ng kanyang ama tinitignang opsyon ang Australia na pupuntahan nito.