ICC prosecutor Khan, iginiit na ‘walang grounds’ para matanggal ito sa pagdinig sa kaso ni FPRRD

📅

Iginiit ni International Criminal Court prosecutor Karim Khan na walang anumang dahilan para matanggal siya sa pagdinig sa kaso ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Sa sulat ni Khan sa ICC sa pre-trial chamber one, kinontra nya ang hiling ng kampo ni Digong na madisqualify sa kaso.

Ayon sa kampo ni Duterte, mayroong conflict of interest dahil naging pribadong abogado si Khan noong 2018 sa mga biktima ng umanoy extrajudicial killings sa bansa.

Pero giit ni Khan, nanatili sa investigation phase ang kaso at anya’y dapat presumed ang impartiality ng isang prosecutor.

ADVERTISEMENT

Magugunitang nitong mayo ay pansamantalang nag leave si Khan bilang prosecutor sa harap ng hiwalay na alegasyon ng sexual misconduct.