Kinontra ng International Criminal Court prosecution team ang hiling ng kampo ni former Pres. Rodrigo Duterte na ipatigil lahat ng ICC proceedings dahil sa umanoy cognitive impairment.
Sa pahayag ng prosekusyon, kukuha na sila ng sariling mga eksperto para tukuyin ang tunay na kalagayan ng ochenta anyos na si Duterte.
Huwebes sinabi ng abogado ni Duterte sa ICC na hindi na umano kakayanin ng kanyang kliyente ang humarap sa pagdinig ng kaso dahil limot limot na ito at hirap makaalala ng mga detalye sa kanyang buhay.
Mababatid na nitong buwan lang sinabi ni VP Sara Duterte na pinagbawalan na sila ni Kaufman na magbahagi ng anumang detalye sa kanilang pagbisita sa dating pangulo.
ADVERTISEMENT
Kasunod nito ay ipinagpaliban confirmation of charges hearing ni Duterte ukol sa kanyang mga crimes against humanity.



