Iginiit ni ICC Accredited Lawyer Gilbert Andres, na may sapat lakas si dating Pang. Rodrigo Duterte para harapin ang kaso nito sa International Criminal Court.
Ayon kay Andres, mayroong public interview si VP Sara Duterte at sinabing kakausap lang nila ng kanyang ama patungkol sa mga isyung pulitika sa Pilipinas partikular na ang anomalya sa flood control.
Napag-usapan din aniya ang tungkol sa love life kaya naman nakikita na may sapat na lakas ang dating Pangulo para harapin ang mga kaso.
Matatandaang sa inilabas kamakailan na “document containing the charges”na nilagdaan ni ICC Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.
Kinasuhan ang 80 taong gulang na si Rodrigo Duterte ng crimes against humanity.
ADVERTISEMENT
Una, siyam na insidente ng pagpatay sa Davao City mula 2013 hanggang 2016 na may 19 na biktima habang alkalde si Duterte.
Ikalawa, limang insidente ng pagpatay na may 14 na “high-value targets” sa buong bansa noong 2016–2017 habang siya ang Pangulo.
At ikatlo, pagpatay sa 43 katao at tangkang pagpatay na may 45 biktima sa barangay clearance operations mula 2016 hanggang 2018.



