ICC, ipinasusuri sa mga eksperto ang kalusugan ni dating Pang. Duterte para sa paglilitis

📅 October 13, 2025 11:04 AM PHT

Inaprubahan ng International Criminal Court prosecution ang pagbuo ng isang panel ng mga doktor para suriin kung fit si dating Pang. Rodrigo Duterte na humarap sa paglilitis sa mga kasong crimes against humanity.

Ayon sa 9-page filing na isinumite ni ICC deputy prosecutor Mame Mandiaye nian magsasanib puwersa ang tatlong eksperto—isang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at behavioral neurologist para masuri ang kalusugan ng dating pangulo.

ADVERTISEMENT

Inutusan ang mga eksperto na tukuyin kung talagang may sakit si Duterte na maaring makaaapekto sa kanyang kakayahang unawain ang mga pagdinig at ebidensya maging ang mga kasong isinasampa laban sa kanya at kakayahang makapagdepensa.

Tiniyak naman ng mga eksperto na handa silang magsumite ng report sa The Hague sa loob ng ilang araw matapos ang pagsusuri.