Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na indefinite adjournment.
Itinutulak kasi ng legal counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman ang pagpapaliban ng paggulong ng kaso ng dating pangulo dahil sa lumalala niyang kalusugan.
Ang dahilan ni Kaufman, makakalimutin na raw si Duterte kaya’t hindi na umano siya fit para humarap sa ICC.
Pero paliwanag ng ICC, hindi nito tinatanggap ang dahilan ni Kaufman.
ADVERTISEMENT
Maaari pa rin naman kasing tumayo si Kaufman para kay Duterte kung hindi na kayang humarap ng dating pangulo sa ICC.
Patuloy rin anila ang pagsusuri ng mga eksperto kay Duterte para matukoy kung talagang hindi na ito fit para harapin ang kanyang kaso.



