Hindi kinumpirma ng International Criminal Court (ICC) ang impormasyong may lumabas na warrant of arrest mula sa The Hague para sa kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon sa ICC spokesperson, lahat ng opisyal na press release ng tribunal ay makikita sa ICC website, at sa ngayon ay tanging ang kaso kontra kay former President Rodrigo Roa Duterte ang nakabukas doon.
Una nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na naglabas na ng warrant ang ICC para kay Dela Rosa, na siyang nagpasimuno ng war on drugs habang siya ay hepe ng kapulisan sa ilalim ng Duterte administration.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, una nang sinabi ni Dela Rosa at ng iba ibang ahensya ng gobyerno na wala silang natatanggap na pormal na notipikasyon mula sa ICC o Interpol ukol rito.
Kaugnay niya, itinanggi naman ng Korte Suprema ang mga kumakalat online na kumento ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nagsasabing dapat munang dumaan sa proses ng mga lokal na korte ang reklamo, pero ayon sa SC, wala pang kumento si Gesmundo sa naturang isyu.




