ICC counsel, pumayag na suriin ang kondisyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Sumang-ayon ang legal representative ng mga potensyal na biktima sa International Criminal Court (ICC) na masuri ng mga eksperto ang kalagayang mental ng dating Pangulong Rodrigo Duterte kung makaaapekto ba talaga ito sa kakayahan niyang lumahok sa mga proceedings.

Ito ay tugon ng Office of the Public Counsel for Victims (OPCV) sa rekomendasyon ng prosecution na gumawa ng grupo ng medical experts para ma-check-up ang kalusugan ng dating presidente.

Kasama dito ang pagkonsulta sa mga bihasang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at behavioral neurologist.

Gayunman, itinulak ng mga abogado ni Duterte na forensic cross-examination na lamang ang gawin, dahil hindi umano angkop ang naunang mungkahi ng ICC. (Denniel Salayo/ News Light)