Iba’t ibang pamantasan, panawagan ang agad na pagsisimula ng impeachment trial ni VP Sara

📅  |  ✏️ Updated
Students and teachers from universities hold placards calling for the immediate start of the impeachment trial of Vice President Sara Duterte

Nanawagan sa Senado ang iba’t ibang pamantasan na agad nang simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kabilang diyan ang University of Sto. Tomas, maging ang mga dean ng limang Ateneo law schools.

Nagpahayag din ng suporta sa impeachment trial ang Lasallian family, maging ang Adamson University.

Panawagan ng mga pamantasan ang patas, mabilis, at walang kinikilingan na impeachment trial.

ADVERTISEMENT

Si VP Sara ay nahaharap sa mga reklamong korapsyon na may kaugnayan sa confidential funds at pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.