Disqualified na sa 2025 midterm election si Pasig City lone district representative candidate Atty. Ian Sia.
Diniskwalipika ang kandidato ng Commission on Elections (Comelec) Second Division dahil sa kanyang malaswa at sekswal na biro sa mga single mom at body shaming sa kanyang dating staff.
Sinabi ito ni Sia noong April 3 habang nangangampanya kasama ang Team Kaya This na pinangungunahan ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya.
April 8 naman nang sagutin ni Sia ang show cause order na inilabas ng Comelec at sinabing saklaw ng freedom of speech ang kanyang binitawang mga biro.
ADVERTISEMENT
Pero ayon sa Comelec Second Division, lumabag si Sia sa anti-discrimination and fair campaigning guidelines ng poll body, partikular na sa Safe Spaces Act na nagbabawal sa pambabastos sa kababaihan.
Inalmahan naman ito ng kandidato.
Ayon kay Sia, wala pang final conviction ng korte kung talagang lumabag siya sa Safe Spaces Act.
ADVERTISEMENT
Banat pa ng kandidato, hindi naman siya nang-rape o pumatay gaya ng isyu ng ibang kandidato kaya mali ang Comelec na i-disqualify siya.
Ayon naman kay Comelec Chair George Garcia, maaari pang umapela sa Comelec en banc hanggang sa Korte Suprema si Sia.
Siya na ang kauna-unahang kandidato na nadiskwalipika sa 2025 midterm election dahil sa paghihigpit ng poll body sa diskriminasyon sa kampanya.
ADVERTISEMENT



