Human rights advocates, nanawagan sa ICC na patawan ng parusa si Kaufman dahil sa disimpormasyon | News Light

📅

‘Engaging in disinformation’ — ‘yan ang dahilan kung bakit nananawagan ang ilang human rights groups sa International Criminal Court (ICC) na patawan ng kaukulang parusa ang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Nicolas Kaufman.

Ayon sa pahayag na inilabas ng CenterLaw at iba pang civil society groups na kumakatawan sa mga biktima ng war on drugs ni Duterte, nakakabahala ang misrepresentation o pagbaluktot ni Kaufman sa mga pahayag ng mga biktima.

Anila, ang pag-distort ni Kaufman sa factual records sa ICC ay paraan ng kampo upang matupad ang hiling na interim release ni Duterte.

Isa umanong halimbawa nito ay ang pahayag ni Kaufman na pumayag na ang Office of the Prosecutor (OTP) sa interim release sa ilalim ng hindi isinapublikong mga kondisyon, bagay na itinanggi ng OTP.

ADVERTISEMENT

Matatandaang iginiit rin noon ni Palace Spokesperson Atty. Claire Castro na na-master na ni Kaufman ang pag-twist ng katotohanan dahil sa maling pag-intindi nito sa pahayag ni Castro hinggil sa desisyon ng ICC sa interim release ni Duterte.

Sa huli, nanawagan ang mga human rights groups na desisyunan na ng ICC ang kanilang hiling para sa integridad ng paglilitis sa dating pangulo.