Aminado si House speaker Faustino “Bojie” Dy III na bumaba ang tiwala ng publiko sa kamara kasunod ng mga alegasyon ng kickback sa mga proyekto sa flood control.
Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony, inamin ni Dy na mahirap ang sitwasyon ng kongreso sa ngayon at kailangang paghusayin ng mga mambabatas at mga kawani ang kanilang serbisyo para mabawi ang tiwala ng taumbayan.
ADVERTISEMENT
Habang binigyang-diin ni Dy ang pagkakaisa sa kongreso para maipagpatuloy ang makabayan at tapat na serbisyo publiko.
Target ng mababang kapulungan na maipasa ang 2026 general appropriations bill sa ikalawang pagbasa ngayong linggo at sa ikatlong pagbasa sa October 13.




