Tuluyan nang tinapos ng House quad committee ang pagdinig nito hinggil sa POGO, patayan, at iligal na droga.
’Yan ay matapos ang 15 pagdinig na nauwi sa imbestigasyon sa iba’t ibang personalidad na kaugnayan sa POGO.
Pero hindi raw dito natatapos ang imbestigasyon sa POGO.
Ayon kay Quad Comm lead chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, posibleng bumuo ng Quad Comm sa 20th Congress.
ADVERTISEMENT
Sa tulong ng pagdinig ng Quad Comm, lumabas ang koneksyon ng POGO sa mga sindikato, maging ang pakikipag-ugnayan ng ilang local official sa mga promotor ng POGO.



