House prosecutors, kontra sa technicality ni VP Sara Duterte sa impeachment

📅 June 25, 2025 12:13 PM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 12:13 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Patuloy na pinag-aaralan ng House prosecution panel ang sagot ni Vice President Sara Duterte hinggil sa articles of impeachment laban sa kanya.

Nakatakdang maghain ng opisyal na tugon ang mga mambabatas sa loob ng limang araw.

Sa kanyang “Answer Ad Cautelam” o tugon, iginiit ni Duterte na walang bisa ang kaso at labag umano ito sa konstitusyon na nagbabawal ng higit sa isang impeachment sa loob ng isang taon.

Gayunpaman, pinasinungalingan ito ng House prosecutors at iginiit na kumpleto ang articles of impeachment sa lahat ng konstitusyonal na requirements.

Binanatan din ni Rep. Jude Acidre ang paggamit ng technicalities ng kampo ni Duterte.

Aniya, mas mahalaga sa tao na malaman kung saan napunta ang confidential funds at nararapat managot ang bise presidente sakaling mapatunayan ang korapsyon sa kanyang liderato.

Habang naniniwala naman si Rep. France Castro na isang ‘legal gymnastics’ lang ang defense ni Duterte para paikut-ikutin lang ang lahat at para maiwasan na mapanagot siya.