Mariing tinutulan ng House prosecution panel ang pahayag ni Senate President Francis Escudero na maaaring bumoto ang mga senador para ibasura ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Cong. Joel Chua, dapat munang mapakinggan ang mga ebidensiya ng prosecution bago bumuo ng anumang desisyon.
Dagdag pa ng mambabatas, paano magpapasya kung hindi pa naihahain ang ebidensiya.
Paalala pa ng kongresista sa senador, limitado lamang ang kapangyarihan ng Senate impeachment court at ang tanging kapangyarihan nila ay ang maglitis, ayon sa konstitusyon.